13.11.20

Master's Thesis First Draft

Nahihiya na ako. 

Sobrang hiya ko sa thesis adviser dahil wala pa akong nagagawa. Hindi dahil hindi ko kaya, pero dahil hindi ko binibigyan ng oras. Nagfi-feeling akong dami kong ginagawa dahil nagtututor ako. I mean nagtututor ako pero andami kong oras after that pero hindi ko nilalaan sa thesis. Gusto ko na magquit sa thesis ko pero ang lapit na lang oh. Gusto ko sana madami akong pera para di ko na iisipin mga utang ko. Utang ko kay Marco, utang ko kay Emil, utang ko sa adviser ko. Utang ko sa tita ko, sa nanay ko. Gusto ko magbigay ng pera sa kapatid ko. Ang dami ko rin gustong bilhin. Wala akong sarili kong laptop. Nalulungkot ako na nahihiya ako sa thesis adviser ko. 

Sir sorry po.

15.8.16

fleeting

I will hate the day that I will not miss you.


That day when I can't even remember why I loved you. And how much I loved you. I don't want the day to come when I can't remember your marvelous eyes and the love I feel whenever I gaze on them. I will hate the day when I can't remember your smile and how it makes my day just to see you wear it. And I will despise the day when I can't even remember what we did when we loved each other. The memories we made and how happy and loved I felt when I was with you. 

I hope I savored those moments more than I savored them. 

Made the  most of our time together. 

Made very moment count. 

Every once of love. 

Because today we are falling apart. 

Today, I love you.

Today, I miss you. 

23.5.16

Kumusta?

Gaano kasarap yung pakiramdam na kahit anong mangyari, may kaibigan kang pwede mong lapitan. Pero para sa akin, mas masarap yung pakiramdam na andyan ka para sa mga kaibigan mo. Kahit yung random "Uy! Kumusta ka?!" Ang sarap na sana nakakatulong ka. Sarap iparating na naiisip mo rin sila. Mga kaibigan ko, importante kayo! Sana maisip niyo yun. Ngiti rin, kahit minsan alam kong mahirap na. Kailangan namin yung ngiti niyo. It makes the world a little more tolerable. Salamat!

10.3.16

unang mga letra

Madalas akong nag-iingay
Alam ko naman ata na madalas nga
Ganito siguro ako pag nag-iisa
Siguro lalong lumalakas ang boses ko pag may pinipigil na mga luha
Ayaw ko naman kasing lumuha
Sa bawat luha kasi ay lalo lang bumibigat
Ang araw kong halos hindi ko na mabuhat
Wag ka sanang agad magalit
At hindi ko lang talaga alam kung ano na ang gagawin


Kaya naman alam ko na may raaon ka para magalit

At hindi ko naman masumbat sayo na ganito nga ako ngayon

Eh sana habaan mo pa ang pisi mo

Rason ko man ay hindi mo pa matanto
Iiyak kasi ako pag iiwan mo ako
Kaibigan kasi kita at ayaw ko ito
Ang lungkot lang kasi pag iniwan mo na ako

18.1.16

bagong taong tula

Hindi madaling magsimula

Ngunit sa kabilang banda ay parang lang itong pagsusulat ng tula

Kailangan mo lang pumili ng mga salita

Maghanap ng isang diwa at buuin gamit ang mga talata



Hindi madaling magsimula

Tila bang kinakalaban mo ang ilog na malaya

Gamit lang ang dalawang sagwan sa maliit na bangka

Pasalungat sa malalakas na agos na rumaragasa



Hindi madaling magsimula

Ngunit minsan ay kailangan mo lang talaga

Hindi naman ibig sabihin ng simula ay parang isang kisap mata

Bagkus ay kabaliktaran ang bilis ng isang nawawalang bula



Hindi madaling magsimula

Ngunit maari kang magsimula sa pagpikit ng iyong mata

Magdahan-dahan, tumigil at muling huminga

Isisigaw sa sarili na ang umaga ay sariwa at may dalang bagong sigla

22.4.15

subok

sabi nila masasaktan lang daw ako

sabi nila tumigil na daw ako

sabi ko naman, di na baleng masaktan na ako

sinubok ko naman para wala ang mga pag-aalinlangan

sinubok ko naman na mangyari ang tayong inaasam

kung di uukol eh di wala tayong magagawa

kung uukol eh di masaya 

ang mahalaga ay sinubok at ang mga sana ay nawala na

mga hadlang at pagsisisi na iniisip sa kinabukasan na di pa sigurado




----tsaka ko na to aayusin.

4.4.15

berde

Hindi maiwasang umasa

Sa mga oras na kasama ka

Nararamdaman na ako'y nangagnako sa wala

Isang pangarap na parang bula

Ninanais kong di pakawalan

Ngunit nang aking sinubok na hawakan

Biglaan na lang akong nawalan



Hindi ko masabing ako'y malungkot

Ngunit hindi ko masabing ako ay tunay na masaya

Patawad kung di ako makuntento kung ano tayong dalawa

Patawad kung minamahal na kita


----Tsaka ko na lang aayusin to.

28.2.15

don't

how could you miss someone so badly?

how could someone make you smile yet bring you tears?

how could you be so dumb?

how could you see him like that?

how could you not see that he loves you too?

how could you not feel that I want to be him?

how could I make you feel that I'm already in love with you?


will you tell me?

25.2.15

gitling

kuwit,

isang pahinga,

maikli,

pahapya,

ngunit may haba.


tuldok,

nagbibigay diin,

isang tigil,

naghihinto,

tumatapos,


kuwit,

parang isang palugit,

humihingi ng oras,

ng pasensya at ng pagtitiis.


tuldok,

gumagapos sa salita,

tinitigil ang mga kataga,

isang kantang biglang nawala.



24.2.15

isangdaanatapatnapu

di ko talaga kayang di kausapin ka
ang hirap ay parang hindi paghinga
hindi paggamit ng mata sa pagtingin sa mga tala
ang hindi panlasa sa masarap na nilaga
ang iwasang umibig sa minamahal mong diwata

22.2.15

mali

maari bang malungkot

maari bang magalit

maari bang hindi na ikubli

ang nararamdamang sakit na pilit kong isinasantabi


takshapo

di ko masabi sayo


dahil iniisip mong naglolokohan lang tayo


kung meron mang "tayo"

19.2.15

ulol

dahil ba inisip mong galit ako sayo?

dahil ba inisip mong nasaktan ako nung nakita ko kayong magkasama?

dahil ba inisip mong hindi kita mapapatawad?


oo, nasaktan ako,

ngunit di ko maaring sabihin sayo

dahil wala akong karapatan upang maramdaman iyon

ngunit salamat na rin sa pagtatampo



dahil ba di ako nagalit?

dahil ba di man lang ako nasaktan?

dahil ba nung nakita ko kayo wala man lnang akong ginawa?


patawad. 

wala akong nagawa.

akala ko kasi na ako'y iyo nang binalewala

ayun ikaw rin pala ay tulad kong nahulog na



parehas pala tayong nabihag ang isa't-isa

18.2.15

susi

sana mabasa mo na ito.

sana makita mo na ako nga'y tunay na nagbago

siguro nga ay dahil ako'y natuto

na natuturuan din pala ang puso



17.2.15

ingay

ok ka lang ba?

ok lang ba ako?

maari bang mahalin mo rin ako?

maari bang maging maayos ulit tayo?

pagtatahi

sa laki ng pagkakamali
siguro nga ngayon
ako na'y iyong inilibing
sa limot ng nakaraan
na kahapon lang pinagsaluhan.



hindi mo na siguro
maatim na ako'y makausap
makita man lang o masilayan
ang aking buong katauhan



ako'y di makapagsalita
nababalisa sa bawat kilos
kung tama ba ang aking mga ginagawa
o mali ba at lalo pa bang
nalulugmok ako sa iyong isipan



sa puso mo ako'y dating kasama
kausap at karamay sa araw-araw
ngayon ako'y isang palaboy
busabos na nakadungaw sa bintana
ng nakalipas at nakaraan
na ating masayang pinagsaluhan


nais humingi ng tawad
ngunit di alam kung saan
pagkakamali ba ay sa paghulog
ng pusong ikaw ang piniling inirog


patawad kung ako'y nagkamali
maibalik muli sana
ang kahapong ngiti ay kasama



dito
magkatabi
kapiling ang isa't-isa



--- di ko na lang muna papakialaman ang mga mali.

16.2.15

mensahe

Ako ang nag-iba

Inisip kong ikaw ay mas mahalaga

Ayaw mong marinig na mga kataga

At ikaw na ngay bigla na lang nawala


15.2.15

lalim

Isang kang diwatang may sumpa

Lahat ng nakakasilay sayo'y nadarapa

Nahuhulog sa iyong ganda at lahat ay nahahalina

Kaya ngayon di ko maitangging minamahal na nga ktia


Patawad aking diwata.