Showing posts with label ASAKAPABOI!. Show all posts
Showing posts with label ASAKAPABOI!. Show all posts

4.4.15

berde

Hindi maiwasang umasa

Sa mga oras na kasama ka

Nararamdaman na ako'y nangagnako sa wala

Isang pangarap na parang bula

Ninanais kong di pakawalan

Ngunit nang aking sinubok na hawakan

Biglaan na lang akong nawalan



Hindi ko masabing ako'y malungkot

Ngunit hindi ko masabing ako ay tunay na masaya

Patawad kung di ako makuntento kung ano tayong dalawa

Patawad kung minamahal na kita


----Tsaka ko na lang aayusin to.

19.2.15

ulol

dahil ba inisip mong galit ako sayo?

dahil ba inisip mong nasaktan ako nung nakita ko kayong magkasama?

dahil ba inisip mong hindi kita mapapatawad?


oo, nasaktan ako,

ngunit di ko maaring sabihin sayo

dahil wala akong karapatan upang maramdaman iyon

ngunit salamat na rin sa pagtatampo



dahil ba di ako nagalit?

dahil ba di man lang ako nasaktan?

dahil ba nung nakita ko kayo wala man lnang akong ginawa?


patawad. 

wala akong nagawa.

akala ko kasi na ako'y iyo nang binalewala

ayun ikaw rin pala ay tulad kong nahulog na



parehas pala tayong nabihag ang isa't-isa