23.5.16

Kumusta?

Gaano kasarap yung pakiramdam na kahit anong mangyari, may kaibigan kang pwede mong lapitan. Pero para sa akin, mas masarap yung pakiramdam na andyan ka para sa mga kaibigan mo. Kahit yung random "Uy! Kumusta ka?!" Ang sarap na sana nakakatulong ka. Sarap iparating na naiisip mo rin sila. Mga kaibigan ko, importante kayo! Sana maisip niyo yun. Ngiti rin, kahit minsan alam kong mahirap na. Kailangan namin yung ngiti niyo. It makes the world a little more tolerable. Salamat!