26.4.14

haaaaaayx.

Sabi ko sa sarili ko tama na,
Kasi malayo naman ang Pilipinas sa Korea,
Hindi pwedeng magkatotoo na makita kita,
Kasi di talaga pwede dahil malayo talaga.

Ayun nga inisip ko mag conscious effort na wag kang isipin,
Pero dahil dun lalo kitang napapansin,
Yung tarpaulin mo dun sa SM na The Face Shop na nakangiti, labas yung maganda mong ngipin,
Tuwing napapadaan ako di ko maiwasang magnakaw ng isang tingin.

Haaaaayx, ang hirap kasi corny ako,
Tapos sigurado magugulat yung ibang mga tao pag nabasa nila ito,
Sasabihin siguro, "WHUUT? SI JOMA BA TALAGA TO?!",
Kasi pati nga ako di ko to maseryoso.

Ok lang yan basta happy crush lang naman,
Pero medyo creppy lang kasi laptop at cellphone ko ikaw lang yung laman,
Grabe ba naman hanggang sa pagtulog ikaw huli kong tinitingnan,
Tapos sa pagkagising ikaw una gustong masilayan.

Ang kuliiiiiit lang na parang pang-asaran!
Kasi paulit-ulit ko na lang daw at pagulit-ulit na tinititigan,
Fudge, ok lang yan lilipas din naman yan,
Basta ngayon sigurado ako na infatuated ako sa isang babaeng Korean!

<3 <3 <3