Hindi madaling magsimula
Ngunit sa kabilang banda ay parang lang itong pagsusulat ng tula
Kailangan mo lang pumili ng mga salita
Maghanap ng isang diwa at buuin gamit ang mga talata
Hindi madaling magsimula
Tila bang kinakalaban mo ang ilog na malaya
Gamit lang ang dalawang sagwan sa maliit na bangka
Pasalungat sa malalakas na agos na rumaragasa
Hindi madaling magsimula
Ngunit minsan ay kailangan mo lang talaga
Hindi naman ibig sabihin ng simula ay parang isang kisap mata
Bagkus ay kabaliktaran ang bilis ng isang nawawalang bula
Hindi madaling magsimula
Ngunit maari kang magsimula sa pagpikit ng iyong mata
Magdahan-dahan, tumigil at muling huminga
Isisigaw sa sarili na ang umaga ay sariwa at may dalang bagong sigla