Showing posts with label sulat. Show all posts
Showing posts with label sulat. Show all posts

18.1.16

bagong taong tula

Hindi madaling magsimula

Ngunit sa kabilang banda ay parang lang itong pagsusulat ng tula

Kailangan mo lang pumili ng mga salita

Maghanap ng isang diwa at buuin gamit ang mga talata



Hindi madaling magsimula

Tila bang kinakalaban mo ang ilog na malaya

Gamit lang ang dalawang sagwan sa maliit na bangka

Pasalungat sa malalakas na agos na rumaragasa



Hindi madaling magsimula

Ngunit minsan ay kailangan mo lang talaga

Hindi naman ibig sabihin ng simula ay parang isang kisap mata

Bagkus ay kabaliktaran ang bilis ng isang nawawalang bula



Hindi madaling magsimula

Ngunit maari kang magsimula sa pagpikit ng iyong mata

Magdahan-dahan, tumigil at muling huminga

Isisigaw sa sarili na ang umaga ay sariwa at may dalang bagong sigla

4.4.15

berde

Hindi maiwasang umasa

Sa mga oras na kasama ka

Nararamdaman na ako'y nangagnako sa wala

Isang pangarap na parang bula

Ninanais kong di pakawalan

Ngunit nang aking sinubok na hawakan

Biglaan na lang akong nawalan



Hindi ko masabing ako'y malungkot

Ngunit hindi ko masabing ako ay tunay na masaya

Patawad kung di ako makuntento kung ano tayong dalawa

Patawad kung minamahal na kita


----Tsaka ko na lang aayusin to.

25.2.15

gitling

kuwit,

isang pahinga,

maikli,

pahapya,

ngunit may haba.


tuldok,

nagbibigay diin,

isang tigil,

naghihinto,

tumatapos,


kuwit,

parang isang palugit,

humihingi ng oras,

ng pasensya at ng pagtitiis.


tuldok,

gumagapos sa salita,

tinitigil ang mga kataga,

isang kantang biglang nawala.