sabi nila masasaktan lang daw ako
sabi nila tumigil na daw ako
sabi ko naman, di na baleng masaktan na ako
sinubok ko naman para wala ang mga pag-aalinlangan
sinubok ko naman na mangyari ang tayong inaasam
kung di uukol eh di wala tayong magagawa
kung uukol eh di masaya
ang mahalaga ay sinubok at ang mga sana ay nawala na
mga hadlang at pagsisisi na iniisip sa kinabukasan na di pa sigurado
----tsaka ko na to aayusin.
Showing posts with label lira. Show all posts
Showing posts with label lira. Show all posts
22.4.15
subok
Labels:
expectaion,
fall,
filipino,
lira,
notadate,
sad,
sorry,
writing,
writingaboutlove
4.4.15
berde
Hindi maiwasang umasa
Sa mga oras na kasama ka
Nararamdaman na ako'y nangagnako sa wala
Isang pangarap na parang bula
Ninanais kong di pakawalan
Ngunit nang aking sinubok na hawakan
Biglaan na lang akong nawalan
Hindi ko masabing ako'y malungkot
Ngunit hindi ko masabing ako ay tunay na masaya
Patawad kung di ako makuntento kung ano tayong dalawa
Patawad kung minamahal na kita
----Tsaka ko na lang aayusin to.
Labels:
ASAKAPABOI!,
fall,
filipino,
lira,
memories,
notadate,
sad,
sorry,
sulat,
tula,
writingaboutlove
25.2.15
gitling
kuwit,
isang pahinga,
maikli,
pahapya,
ngunit may haba.
tuldok,
nagbibigay diin,
isang tigil,
naghihinto,
tumatapos,
kuwit,
parang isang palugit,
humihingi ng oras,
ng pasensya at ng pagtitiis.
tuldok,
gumagapos sa salita,
tinitigil ang mga kataga,
isang kantang biglang nawala.
isang pahinga,
maikli,
pahapya,
ngunit may haba.
tuldok,
nagbibigay diin,
isang tigil,
naghihinto,
tumatapos,
kuwit,
parang isang palugit,
humihingi ng oras,
ng pasensya at ng pagtitiis.
tuldok,
gumagapos sa salita,
tinitigil ang mga kataga,
isang kantang biglang nawala.
Subscribe to:
Posts (Atom)