10.3.16

unang mga letra

Madalas akong nag-iingay
Alam ko naman ata na madalas nga
Ganito siguro ako pag nag-iisa
Siguro lalong lumalakas ang boses ko pag may pinipigil na mga luha
Ayaw ko naman kasing lumuha
Sa bawat luha kasi ay lalo lang bumibigat
Ang araw kong halos hindi ko na mabuhat
Wag ka sanang agad magalit
At hindi ko lang talaga alam kung ano na ang gagawin


Kaya naman alam ko na may raaon ka para magalit

At hindi ko naman masumbat sayo na ganito nga ako ngayon

Eh sana habaan mo pa ang pisi mo

Rason ko man ay hindi mo pa matanto
Iiyak kasi ako pag iiwan mo ako
Kaibigan kasi kita at ayaw ko ito
Ang lungkot lang kasi pag iniwan mo na ako

No comments:

Post a Comment