sa laki ng pagkakamali
siguro nga ngayon
ako na'y iyong inilibing
sa limot ng nakaraan
na kahapon lang pinagsaluhan.
hindi mo na siguro
maatim na ako'y makausap
makita man lang o masilayan
ang aking buong katauhan
ako'y di makapagsalita
nababalisa sa bawat kilos
kung tama ba ang aking mga ginagawa
o mali ba at lalo pa bang
nalulugmok ako sa iyong isipan
sa puso mo ako'y dating kasama
kausap at karamay sa araw-araw
ngayon ako'y isang palaboy
busabos na nakadungaw sa bintana
ng nakalipas at nakaraan
na ating masayang pinagsaluhan
nais humingi ng tawad
ngunit di alam kung saan
pagkakamali ba ay sa paghulog
ng pusong ikaw ang piniling inirog
patawad kung ako'y nagkamali
maibalik muli sana
ang kahapong ngiti ay kasama
dito
magkatabi
kapiling ang isa't-isa
--- di ko na lang muna papakialaman ang mga mali.
No comments:
Post a Comment