1.5.14

lies.

Forever. This is such a miserable word. A word full of promise that will only be broken.I once believed that when someone says, I will love you forever, it was sweet and noble but now all I can see are lies, deception, and a dull promise. 


----Itutuloy ko na lang pag ok na ako. :D



Ahu ahu

Wala sigurong makakaintindi,
Sa mga taong pinipilit maabot and hindi pwede,
Siguro sasabihin nila na masasaktan lang naman kami,
Pero hindi kasi nila alam ang kapiramdam namin.

Meron kasing pakiramdam na masarap sa ganito,
Yung pakiramdam na meron kang goal na hindi mo maabot,
Yung hindi ka titigil at meron ka palaging purpose,
Kasi kung malapit lang yung goal mo eh pagkatapos meron kang bago.

Masarap kasi yung mahaba yung lakaran,
Yung madami kang madadaanan,
Yung marami kang makikilala at makaksalamuha,
At the same time masaya ka sa ginagawa mo.

Alam mo yung every move na ginagawa mo may kabuluhan,
Kasi alam mong palapit ka ng palapit sa gusto mo,
Tapos madaming nagcricritisize sayo na tao,
Tapos yun pala panalo ka pa rin sa huli! Hahaha

Ganito yan, yung isipin mo sa quantum physiscs,
Lahat ng iisipin mong universe merong universe na ganun as long as naiisip mo,
Isipin mo yung universe na pinakamaganda ang buhay, siyempre yung possible naman,
Tapos yun ang goal mo, maging yung universe na to yung universe na yun. 

Masarap yun!
Yung ikaw yung pinakamayaman, 
O yung ikaw yung pinakacool,
O di kaya yung crush mo eh crush ka rin!

Aja! 
Kaya to kasi sa buhay wala namang talo!
Basta enjoy the sufferings sa buhay kasi dito magagaling yung joy!
Sa mga taong magsasa na di kaya ang sasabihin ko lang sa inyo ay: FIGHTING!!

key

Ang sarap ng pakiramdam na may crush ka,
Kasi sobrang sarap na meron sayong nagpapasaya,
Yung tipong sa jeep ka nakasakay tapoos biglang tatawa,
Yung hindi naman weird na tawa, pero tatawa ka kasi naalala mo siya.


26.4.14

haaaaaayx.

Sabi ko sa sarili ko tama na,
Kasi malayo naman ang Pilipinas sa Korea,
Hindi pwedeng magkatotoo na makita kita,
Kasi di talaga pwede dahil malayo talaga.

Ayun nga inisip ko mag conscious effort na wag kang isipin,
Pero dahil dun lalo kitang napapansin,
Yung tarpaulin mo dun sa SM na The Face Shop na nakangiti, labas yung maganda mong ngipin,
Tuwing napapadaan ako di ko maiwasang magnakaw ng isang tingin.

Haaaaayx, ang hirap kasi corny ako,
Tapos sigurado magugulat yung ibang mga tao pag nabasa nila ito,
Sasabihin siguro, "WHUUT? SI JOMA BA TALAGA TO?!",
Kasi pati nga ako di ko to maseryoso.

Ok lang yan basta happy crush lang naman,
Pero medyo creppy lang kasi laptop at cellphone ko ikaw lang yung laman,
Grabe ba naman hanggang sa pagtulog ikaw huli kong tinitingnan,
Tapos sa pagkagising ikaw una gustong masilayan.

Ang kuliiiiiit lang na parang pang-asaran!
Kasi paulit-ulit ko na lang daw at pagulit-ulit na tinititigan,
Fudge, ok lang yan lilipas din naman yan,
Basta ngayon sigurado ako na infatuated ako sa isang babaeng Korean!

<3 <3 <3

25.2.14

Sagot ko

Bakit ba tayo natutulog? Sasabihin mo dahil kailangan natin pero ang totoo ay sabi ng agham ay hindi natin kailangan ng tulog. Ngunit ang tanong ay bakit nga ba tayo natutulog? Ito ay dahil "kailangan" natin. Kailangan  nating dayain ang sarili natin at papaniwalain na kailangan natin ito dahil gusto natin. Ganun yung tinanong mo sa akin. Bakit ko siya mahal? Bakit nga ba? Siguro dahil natutunan ko. Siguro dahil kailangan ko. Siguro dahil kailangan kong bigyang rason kung bakit mahalaga siya sa akin. Siguro dahil kailangan ko ng paliwanag kung bakit ko siya pinahahalagahan kaysa sa iba. Siguro dahil gusto kong mahalin siya. Siguro dahil mahal ko talga siya. 

Patawad kung di ko masagot ang tanong mo ng maayos. Basta ang alam ko ay natututunan ang pagmamahal. 

10.1.14

Bakit di ko masabi sayo na ikaw lang ang iniisip ko noong nakaraang bakasyon? Bakit di ko masabi sayong hindi ko lubos maisip na matagal tayong di nagkita? Bakit di ko masabi sayong ang nakaraang dalawang linggo ay ang nagmistulang magpakailanman na wala ka? Bakit di ko masabing mahal na kita?

Hinintay ko ang pagbabalik natin sa paaralan upang sabihin sayo ang aking narramdaman ngaunit ngayon at ikaw ay aking nakakasama at nakikita bakit di ko masambit ang mga salita na tinago at nais ibalita? Di man lang makamusta ang iyong nakaraang bakasyon at kung kamusta naman ang iyong bagong taon? Miss na kita pero bakit?

7.1.14

Malayo man sa isat-isa,
Kayo pa rin at magkasama,
Sa gabing payapa'y sa langit nakatingala,
Pinagbubuklod at magkasama sa ilalim ng mga tala.

Mga bansa man ay sa inyo'y namamagitan,
Bawat isa ma'y di masilayan,
Tandaan ang inyong binitawang sumpaan,
Na di mapapaghiwalay kahit pa ng kamatayan.

Pagsasama man ay kailangang lisanin,
Taon man ang inyong bilangin,
Panahon may ang pangako ninyo ay subukin,
Pagmamahal sa isa't-isa ay alalahanin.

Siya man kaingang OFW ang pasukan,
Alalahanin na kayo ay nagmamahalan,
Isang patunay ang inyong kasalan,
Pangakong mabubuhay magpakailan man.