Bakit ba tayo natutulog? Sasabihin mo dahil kailangan natin pero ang totoo ay sabi ng agham ay hindi natin kailangan ng tulog. Ngunit ang tanong ay bakit nga ba tayo natutulog? Ito ay dahil "kailangan" natin. Kailangan nating dayain ang sarili natin at papaniwalain na kailangan natin ito dahil gusto natin. Ganun yung tinanong mo sa akin. Bakit ko siya mahal? Bakit nga ba? Siguro dahil natutunan ko. Siguro dahil kailangan ko. Siguro dahil kailangan kong bigyang rason kung bakit mahalaga siya sa akin. Siguro dahil kailangan ko ng paliwanag kung bakit ko siya pinahahalagahan kaysa sa iba. Siguro dahil gusto kong mahalin siya. Siguro dahil mahal ko talga siya.
Patawad kung di ko masagot ang tanong mo ng maayos. Basta ang alam ko ay natututunan ang pagmamahal.
No comments:
Post a Comment