Bakit di ko masabi sayo na ikaw lang ang iniisip ko noong nakaraang bakasyon? Bakit di ko masabi sayong hindi ko lubos maisip na matagal tayong di nagkita? Bakit di ko masabi sayong ang nakaraang dalawang linggo ay ang nagmistulang magpakailanman na wala ka? Bakit di ko masabing mahal na kita?
Hinintay ko ang pagbabalik natin sa paaralan upang sabihin sayo ang aking narramdaman ngaunit ngayon at ikaw ay aking nakakasama at nakikita bakit di ko masambit ang mga salita na tinago at nais ibalita? Di man lang makamusta ang iyong nakaraang bakasyon at kung kamusta naman ang iyong bagong taon? Miss na kita pero bakit?
No comments:
Post a Comment