Malayo man sa isat-isa,
Kayo pa rin at magkasama,
Sa gabing payapa'y sa langit nakatingala,
Pinagbubuklod at magkasama sa ilalim ng mga tala.
Mga bansa man ay sa inyo'y namamagitan,
Bawat isa ma'y di masilayan,
Tandaan ang inyong binitawang sumpaan,
Na di mapapaghiwalay kahit pa ng kamatayan.
Pagsasama man ay kailangang lisanin,
Taon man ang inyong bilangin,
Panahon may ang pangako ninyo ay subukin,
Pagmamahal sa isa't-isa ay alalahanin.
Siya man kaingang OFW ang pasukan,
Alalahanin na kayo ay nagmamahalan,
Isang patunay ang inyong kasalan,
Pangakong mabubuhay magpakailan man.
No comments:
Post a Comment