24.2.15

isangdaanatapatnapu

di ko talaga kayang di kausapin ka
ang hirap ay parang hindi paghinga
hindi paggamit ng mata sa pagtingin sa mga tala
ang hindi panlasa sa masarap na nilaga
ang iwasang umibig sa minamahal mong diwata

22.2.15

mali

maari bang malungkot

maari bang magalit

maari bang hindi na ikubli

ang nararamdamang sakit na pilit kong isinasantabi


takshapo

di ko masabi sayo


dahil iniisip mong naglolokohan lang tayo


kung meron mang "tayo"

19.2.15

ulol

dahil ba inisip mong galit ako sayo?

dahil ba inisip mong nasaktan ako nung nakita ko kayong magkasama?

dahil ba inisip mong hindi kita mapapatawad?


oo, nasaktan ako,

ngunit di ko maaring sabihin sayo

dahil wala akong karapatan upang maramdaman iyon

ngunit salamat na rin sa pagtatampo



dahil ba di ako nagalit?

dahil ba di man lang ako nasaktan?

dahil ba nung nakita ko kayo wala man lnang akong ginawa?


patawad. 

wala akong nagawa.

akala ko kasi na ako'y iyo nang binalewala

ayun ikaw rin pala ay tulad kong nahulog na



parehas pala tayong nabihag ang isa't-isa

18.2.15

susi

sana mabasa mo na ito.

sana makita mo na ako nga'y tunay na nagbago

siguro nga ay dahil ako'y natuto

na natuturuan din pala ang puso



17.2.15

ingay

ok ka lang ba?

ok lang ba ako?

maari bang mahalin mo rin ako?

maari bang maging maayos ulit tayo?