6.11.14

keyk

Naalala kita bespren.

Alam mo ang iniisip ko kung kailan tayo huling kumain ng keyk. O kung kailan tayo hulng nagluto ng spaghetti. Naaalala ko lang na parang kailan lang yun tapos ikaw ngayon eh wala na.

Wasak.

Tumatawa ako dito pero di ko matago yung pakiramdam na gusto ko lang mabalikan na meron akong bespren na kayang balikan sa amin. O kaya yung lola ko na naghihintay sa akin. O yung uncle ko na magluluto at magkakatay ng manok para sa amin.

Maliit na bagay pero masakit kung mawawala sayo.

Iyak.

Naaalala ko po kayo Papa.

Pa, naalala ko nung bata ako na nagpalit na ako ng damit para sa bertdey ni Ate tapos sabi mo na di ako invited. Tapos umiyak ako ng umiyak tapos pumasok ako sa bahay at ayaw ko kayong papasukin. Sinarado ko pa yung sarili ko sa loob ng mga case ng Coke. Tapos ikaw pumunta ka sa akin tapos binuhat mo akong umiiyak na pumunta sa baha ninyo. Naalala ko yung keyk na handa ni Ate.

Awtsu,

Ma, naaalala ko po kayo.

Ma, naalala mo nung sa ilalim tayo ng puno ng mangga nung brthday mo tapos may keyk na dinala si Papuy at Ate Baba. Sabi mo bigyan ka namin ng plato tapos binigyan ka na rin namin ng keyk pero sabi mo konti lang. Ma, naalala ko po yung time na bumoto kayo nung last election. Sabi ninyo at least natry ninyo yung automated elections. Tinulak daw kayo ni Mami papunta sa school nun kasi sabi niya minsan lang daw yun. Ma, naalala ko rin nun yung bata pa ako tapos pag aalis kami nila Mommy, Daddy at Kuya sasabihin namin sa iyo: "Ma, me kami na!" Naalala ko na siguro sasbaihin, "O!" o kaya tatango ka lang.


Ar, Ma, Pa, namimiss ko po kayo. Parang di kumpleto yung uwi ko sa atin kung di ko kayo kasama. Pa, namimiss ko po yung tatawagin mo kami sa bahay ninyo tapos kakain lang po tayo. Ma namimiss ko yung matutulog kami sa bahay tapos magtotong-its lang po kami hanggang antukin o may mag-away. Ar, namimiss ko yung pupunta ako sa inyo na naglalakad tapos gagawin natin kahit anong maisip natin.

Kung nasaan po kayo. Namimiss ko po kayong tatlo. Umiiyak po ako ngayon. May report po ako bukas sa 101 tapos baka mawasak kami dun pero ok lang. Namimiss ko po kayo. Ingat po kayo palagi. Ipagdasal po ninyo ako dahil malapit na kayo sa kanya. Ipinagdadasal ko din po kayo.

Ar, labshu espren.

Pa, I love you po.

Ma, I love you very much,

29.10.14

pagpipilian

Kailan? 
Panahon na iyo ng mararamdaman,
Na unti-unti mo na pala akong nasasaktan,
Ang puso kong iyong pinapabayaan.

red

We don't just accept things

We challenge

But due to fear, we surrender

Doubting if we are strong enough to bear the pain

Asking if we are brave enough to accept the consequences

And in the end, regretting that we did nothing about it


28.10.14

forgotten.

it was a night to remember,
an evening to be cherished and never to be forgotten.

it was a night of innocence,
an evening we can call truly ours,
a last song we enjoyed together.

a stare we wanted never to end,
you looking at me as intently as I wanted to look at you,
a smile to break the awkwardness we felt.

it was a dance we would have danced together,
and rules that prevented it to happen,
but in the corner we secretly retaliated,
and had the dance that made us hold each other.

cliche as it seems, your fingers filled up the gaps of mine,
as we looked into each others eyes and exchanged our smiles.
in that moment, no words escaped our mouths,
because we knew that at that moment the world was ours.

we thought that would be the end,
the end of a night we wonderfully shared,
but fate wanted it to be more than what it already was,
for us to enjoy the night longer than dusk .

we retired to the room, contented of the memories we have made,
not knowing that it was just the end of the beginning,
a time to realize that we were just starting,
an extraordinary night that will reveal our tue feelings.

as the night goes by we hugged and held each other,
and inside you arms I was trembling,
thinking of a future that you and I will face an unhappy ending
but as I hugged you, you hugged me back with your arms and held me tight,
and that was enough to assure me that we will forever be intact.

and fatigue crept in as we ended the night,
and as we close our eyes and turn-off the lights,
we exchanged our goodbyes and good nights
for the last time I hugged you from behind,
you answered it with a wondeful kiss of good night.

as I was falling asleep,
i hoped that it was not just dream,
and I woke up in the morning,
looked for you and ask if the night was true,
and the answer was evident when you smiled and kissed me too.

thank you for that beautiful night,
i wanted you to be my remedy,
not knowing that you also wanted me to be yours,


i love you.



i love you still.

12.10.14

sa uulitin, kaibigan

Alam mo aking kaibigan,
Di ko pa rin natatangap ng lubusan,
Ang katotohanan na ikaw na talaga ay lumisan,
At ang mundong ibabaw ay iyo ng iniwan.

Marahil siguro ito ay biglaan,
Kaya lalo pa kaming nasasaktan,
Hanggang ngayon ang mga puso namin ay luhaan,
Dahil iniwan mo na kami, aking kaibigan.

Maaalala ka namin sigurado yan,
Ngunit iba pa rin ang pakiramdam ng ating samahan,
Yung magkausap tayo at naghahalakhakan,
Yung mga panahon na masarap at masakit balikan.

Espren, di ka namin makakalimutan,
Ikaw, sa puso namin mayroon kang paglalagyan,
Kahit na ngayon kami ay iyong nilisan,
Alam naman namin na ang iyong paalam ay mayroon ding katapusan.

Hanggang sa muli nating pagkikita kaibigan,
Diyan sa langit tayo ay magtatawanan,
Tulad ng ginawa natin sa mga lansangan,
Sigawan at halakhak ng tunay na kaibigan.

Alam kong masaya ka diyan ngayon sa kalangitan,
Dahil kasama ka Niya sa kanyang kaharian,
Chill ka muna diyan habang kami sa buhay ay dumadaan,
Ipagdasal mo na rin kami sa Kanya na kami ay patnubayan.


<! -----------------------------------
Hoy Rr! Kamusta ka? Miss ka pa rin namin. Naaalala ka pa rin namin. Strongk ka diyan ah, dahil strongk kami dito! Kitakits na lang! 
-------------------!>

16.8.14

you.

I see your tears like a stalking predator in the night,
Elusive and wanting not to be seen,
Thinking what shame it may bring,
If your prey saw the king of the jungle limping.

You think that you are invincible,
That you are an exemption of all of the animal,
But remember that you are in a massive jungle,
And that time will betray you and may you tumble.

Your limp may slow you down,
But it will not stop you from being strong,
Instead of hiding it like a weakness or a thorn,
Show it to them and tell, even with this limp I will stand tall.

Showing that weakness will not make you any less,
Thinking that you will not be the best,
You need not compare yourself among the rest,
All you need to do is be yourself.

---Di ko kaya. :(


sabay sunod

Nahihirapan sa paghanap ng salita,
Ang utak na nababalisa,
Hindi masulat ang tamang tugma,
Dahil natatameme din kahit ang magaling na makata/

Hindi sayo makatingin,
Dahil sa mga mata mong nananalamin,
Ng masasayang kahapon natin,
Na tinapos lang ng mga pagkakamaling di kayang aminin.

Tila nga biglang nagbago,
Sa akin, iyong pakikitungo,
At ngayon, aking napagtanto,
Na pinaasa ko lang ang aking puso.

Oo aaminin kong damdamin ko'y nananakit,
Na nagbago tayo sa isang saglit,
Ngunit ang tayo ay di ko na ipipilit,
Bastat alalahanin mong, saki'y wala kang kapalit.