16.8.14

sabay sunod

Nahihirapan sa paghanap ng salita,
Ang utak na nababalisa,
Hindi masulat ang tamang tugma,
Dahil natatameme din kahit ang magaling na makata/

Hindi sayo makatingin,
Dahil sa mga mata mong nananalamin,
Ng masasayang kahapon natin,
Na tinapos lang ng mga pagkakamaling di kayang aminin.

Tila nga biglang nagbago,
Sa akin, iyong pakikitungo,
At ngayon, aking napagtanto,
Na pinaasa ko lang ang aking puso.

Oo aaminin kong damdamin ko'y nananakit,
Na nagbago tayo sa isang saglit,
Ngunit ang tayo ay di ko na ipipilit,
Bastat alalahanin mong, saki'y wala kang kapalit. 

No comments:

Post a Comment