23.12.14

unawa

Gusto kong magwala. Gusto ko ngunit di ko magawa. Di ko magawa dahil alam kong wala ako sa lugar. Wala akong karapatang maramdaman to ngunit di ibig sabihin nun na di ko na siya mararamdaman. Di ko lang masabi sayo ng harapan. Di ko lang mahanap ang tamang salita at paraan kung paano sabihin sayo. Di ko mahanap yung tamang panahon na ipasok to sa usapan. Sana malapit na yung panahon na iyon.

Gusto kong sabihin sayong ako ay iyo. Ako ay iyo. Gusto ko rin marinig yun galing sayo. Pero alam kong malabo. Malabo kasi wala akong kwenta para sayo. Kasi kaibigan mo lang ako. Kasi di naman parehas ang pagtingin natin sa isa't-isa. Malabo kasi wala akong deretsong sagot. Kasi wala akong lakas ng loob na malaman. Wala akong lakas ng loob na tanungin ka kung ganun din ba ako sayo.

Gusto kong sumuko. Ngunit susuko na ba ako dahil sinasaktan ko ang sarili ko dahil di ko kayang simulan ang dapat kong simulan? O marahil alam kong nagsasayang lang ako ng oras. Di ka pwedeng sumuko sa isang bagay na di mo pa sinisumulan ngunit bakit dito kahit di ko pa sinisimulan ay pagod na ako. Pagod na sa lahat.

Magagalit ba ako? Sasabihin ko ba sayo? O basta-basta na lang akong susuko? 

No comments:

Post a Comment