Naalala ko dati ag iyong mga ngiti,
Mga matang lungkot ay pinapawi,
Ang ngiti mong walang pinipili,
Nakakaawang mga biloy mo sa pisngi.
Dati isa kang taong pula,
Ngayon ay bughaw ang iyong nakuha,
Mahal ka nilang dalawa,
Ngunit ang isa ay nakalipas na.
Alam mong kahit anong mangyari ako ay nandito,
Sa hirap man o saya itay mo'y sasagabay sayo,
Tumawag ka lang umulan man bumagyo,
Ako ay lalapit, makikinig at magpapayo.
Mahal ka ng tatay mo anak,
Daddy mo man ay mas batak,
Sutukan kami ng mga taong sayo'y nagpapaiyak,
Luha mo'y walang kwenta laban sa iyong galak.
Di man ito yung naunang tula,
Mas gusto ko naman ito kaysa dun,
Kahit yung last tanza walang rhyme,
Cute pa rin kasi ako ang gumawa. :))
No comments:
Post a Comment