Bakit ako naiingit? Dahil ba di ko kaya gawin ang kaya niyang gawin? Dahil ba mas nakaka-usap ka niya? Dahil ba mas pinipili mo siya? Lumang tutog yan! Matagal ko ng kinalimutan ang kaisipang ganyan. Kung ayaw mo sa 'kin, di na ako masasaktan. Sabi nga nila, madaming isda sa karagatan. Kahit pangit mang isiping isda lang ang turing sa inyo, madami talagang isda sa karagatan. Di ko kailangan masaktan para mapansin mo ako. Ano ako bale? Natutunan ko na ring mahalin ang sarili ko. Maghahanap na lang ako ng taong magugustuhan ako kung sino ako. Yung taong, gusto akong baguhin pero hindi ang buo kong pagkatao. Matagal man akong maghihintay o hinidi ko man siya makita, ang mahalaga ako, ako. Masaya ako sa ginagawa ko. Hindi ko pinagsisinungalingan ang sarili ko. At higit sa lahat nagkaroon ako ng marka sa mundong ginagalawan ko sa pagiging tunay na tao!
---Galit?
No comments:
Post a Comment